Tagalog Love Quotes

Tagalog Love Quotes


Minsan mahirap sabihin ang tunay na nararamdaman. Mahirap ipikit ang mata kung may nais kang makita.Mahirap kalimutan ang mga bagay na ayaw mong kalimutan. Pero ang pinakamahirap na gawin ay ang palayain siya kahit na alam mong gusto mo siyang manatili. 


Hindi mo naman kailangan pang sabihin na mahal mo ako. Minsan isang matamis na ngiti lang galing sa magaganda mong mga labi ay sapat na para makumpleto ang buhay ko.


Sabi nila kalimutan na kita. Sabi nila maghanap na ako ng iba. Masasaktan lang daw ako kase ibang tao ang mahal mo. Ang sabi ko naman, mas gugustuhin ko pang masaktan nang lumalaban kesa sa masaktan dahil sa panghihinayang na hindi kita pinaglaban.


Sabi nila matatag daw ako. Tama matatag ako dahil sa'yo. Pero isang bagay lang naman ang kinatatakutan ko eh. 'Yon ay ang mawala ka sa piling ko.


Ang puso ko ay tumitibok para sa'yo. Ang labi ko ay ginawa para mahalikan ka. Ang mga mata ko ay ginawa para makita ka at mga kamay upang mahawakan ka. Bakit ganon? Siguro dahil nilikha talaga ako para mahalin ka.



Once in my life, I sacrificed my hapiness for someone else. Once in my life, I realized that I'm not alone. Once in my life, I put aside my pride. Once in my life, I loved someone more than myself. You know why? Coz once in my life I met someone like you. 


Kung papipiliin ako between my life and you. I'll choose my life. Alam mo kung bakit? Because you are my life. 


Ang pag-ibig ay parang isang pangako. Kailangan mo itong tuparin at kahit anong mangyari, hindi mo ito pwedeng kalimutan.


Nafeel mo na ba yung akala mo nakalimutan mo na siya. Wala na, tapos na ang lahat. Tapos isang araw nagkita kayo, ngumiti siya sayo at bigla mong nasabi. "Anak ng! Mahal ko pa pala tong taong to."


Sa buhay natin, may mga importanteng tao tayong hinahanap. Napakaswerte ko at nakita ko na ang pinakaimportanteng tao para sa akin. "Ikaw"



Tagalog Love Quotes
Go Back To: Tagalog Quotes





No comments:

Post a Comment