Quotes About Love (Tagalog)

Quotes About Love (Tagalog)

Minsan natuto akong umasa. Minsan natuto akong ngumiti. Minsan nalaman ko na masaya pala ang buhay. Alam mo kung bakit? Dahil minsan natuto akong magmahal ng isang tulad mo.


Hindi ko naman kailangan ng yaman, hindi ko rin kailangan ng kasikatan. Simple lang naman ang hiling ko sa buhay, Iyon ay makasama ka't makapiling habangbuhay.



Ang sabi nila ang pag-ibig ay hindi nabibili, kusa itong nararamdaman at walang anumang kayamanan ang makakatumbas dito. Kaya para sa'kin ang mga katulad mo ay "priceless" hindi ko kayang ipagpalit sa kahit anuman.



Sa dami ng love quotes ngayon, parang lahat nagiging corny na. Kaya hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Tatlong salita  lang naman ang gusto kong marinig mo mula sa akin. "I love you"



Huwag kang susuko kung ayaw mo pang sumuko. Huwag mong pupunasan ang luha mo kung gusto mo pang umiyak. Katulad din yan sa taong mahal mo. Wag mong sasabihing hindi mo na siya 
mahal kung hindi mo pa siya kayang iwan.


Mahirap man tanggapin pero kadalasan ang taong gusto mong makapiling habangbuhay
ay ang taong kailanman hindi pwedeng maging iyo.


Ang tunay na pagmamahal ay hindi naghihintay ng kapalit..... Gagawin mo ang lahat para sa
kanya....Kahit masakit, kahit mahirap, kahit magmukha kang tanga. Mamahalin mo pa rin siya. Kahit na alam mong may mahal na siyang iba. 


Kung sakaling mawala ka, hindi ako iiyak. Magiging matatag ako. 
Dahil alam ko na balang araw, babalik ka rin sa piling ko. 


Madalas abala tayo sa paghahanap ng taong makakasama natin habangbuhay. Minsan hindi 
natin narerealize na ang taong hinahanap natin ay 'yong taong hindi mo napapansin. Tahimik na nagmamahal sa'yo at handa kang saluhin oras na ikaw ay mahulog. 


Mas nanaisin ko pang mawala sa mundong ito kaysa mabuhay ng wala ka. 'Pagkat kalahati ng puso ko ay pagmamay-ari mo. 

Quotes About Love (Tagalog)





No comments:

Post a Comment