Cheesy Tagalog Quotes

Cheesy Tagalog Quotes


Mas pipiliin ko pang magkaamnesia wag ka lang mawala
because I can forget everything just to be with you.



Mawala na ang lahat wag lang ang puso ko.
'Coz in my heart you'll always stay.


Naiintindihan ko kung balang araw makakalimutan mo rin ako.
Sino ba naman ako? Isang kaibigan na sikretong nagmamahal sayo.


Everytime you cry, you'll become stronger.
Soon enough, you'll become invincible. Kaya ok lang umiyak lalo na't alam mong minahal mo ang taong iniiyakan mo.


Cheesy Tagalog Quotes


Para sa mga taong nagmamahalan. 
There's no easy way to break somebody's heart so don't even dare.




Hindi man ako ang pinili mo. Don't worry andito pa rin ako. 
Nagaabang na saluhin ka para kapag nahulog ka, hindi ganoon kasakit.


There's no reason why we fall in love, it just happens.
So be fulfilled and be happy.


Di man tayo magkatuluyan sa bandang huli. Masaya pa rin ako dahil
alam ko na sa panahong magkasama tayo. Minahal kita ng totoo.


Cheesy Tagalog Quotes






Simple Tagalog Quotes

Simple Tagalog Quotes


Kung alam mong mali ang isang bagay. Wag kang maging tnga.
Gawin mo ang lahat para magawa mo itong tama.


Busy ka ba? Teka focus ka muna dito. Importante lang. May isang bagay
lang akong gustong sabihin...
...
...
...
Thank you coz GOD GAVE ME YOU!..


Hindi lahat pwedeng magtagal. Kahit pilit kang umiwas. Mangyayari't
mangyayari ang dapat na mangyari.


May mga relasyon na kailangan gawin mo ang lahat para manatiling matatag.
Pero kailangan din nating marealize na ang lahat ay hindi permanente. Sa bandang huli, pwede rin
kayong maghiwalay.


Simple Tagalog Quotes


Madali lang isalba ang isang relasyon kung mahal niyo ang isa't isa.
Mahirap lang kapag may isang malanding pilit sumisingit.


Lahat iniwan ko para sa'yo.
Iniwan ko siya para lang sa'yo
Dahil mahal kita, pero iniwanan mo din ako.
Ngayon alam mo ba kung sino ang kadamay at kayakap ko?
Siya na iniwan ko para lang sa'yo.


Bakit kaya kapag nagmhl ang 1 tao kahit gaano siya katalino basta pagdting sa pag-ibig
nabobobo. Ikw kya? Matalino ka...nagmahal kana. pero nung nagmhal ka nagpakatnga ka rin kaya
pagdating sa knya?

Simple Tagalog Quotes





Latest Tagalog Quotes

Latest Tagalog Quotes


Gusto ko magalit dahil iniwan mo ako. Gusto kitang saktan dahil pinaasa mo ako. Gusto kitang gantihan dahil pinaiyak mo ako. Pero sa tuwing naiisip kita, nagbabago ang lahat. Dahil up until this point. I'm still inlove with you.


Pag nagmahal ka ulit, Wag kang madadala...Give your best pa rin...pero wag mong ibibigay lahat. Magtira ka para sa sarili mo.


Life is very wonderful. Life is very short for you to cry everyday. So make the most out of it and be happy


Latest Tagalog Quotes


Sa buhay na to may mga nakalaan para sa'yo. Hindi mo kailangan maghanap, hindi mo kailangan mamili. The right person will come. At the right time and at the right place.


Kung nahihirapan kang pumili sa dalawa. Just take your time para mas madami kang oras. At somepoint, malalaman mo rin kung sino sa kanila ang para sa'yo.


Kapag sinabihan ka ng taong karelasyon mo na naguguluhan siya sa feelings niya para sa'yo. Wag kang magugulat kung bigla ka niyang hiwalayan. Hindi lang niya kasi masabi na hindi ka na niya mahal.



Sa pag-ibig dalawang bagay lang yan. Welcoming and letting go.


Wag mong pigilan ang sarili mo kung nasasaktan kana. Sometimes you need to cry a lot to realize that...OOpps..Teka lang meron pa palang option. Ang magmove on...




Latest Tagalog Quotes





Friendship Tagalog Quotes

Friendship Tagalog Quotes 

Wag kang maging plastic dahil magkakaroon ka ng mga plastic na kaibigan.
Be true to yourself and you'll get true friends.


Sa tunay na kaibigan mo lang mararanasang tumawa ng walang halong kaplastikan, umutot ng malakas sabay tawa, pinang-aasar ang mga personal na kapintasan at ginagamit ang pagmumura bilang paraan ng paglalambing. Ganyan ang tunay na kaibigan. Walang halong KAPLASTIKAN



Bakit maskit magmhal ng kaibign?
Kc khit kasama mo siya, nakakausap, nakktawanan.
Hindi pa rin maiiwasn na kng love na ang pinaguusapan
Ibang pangalan ang bnabanggit niya.



May mga taong minsan lang darating sa buhay natin. Minsan lang makikilala at makakasama
Pero kadalasan pala yung minsan na yun habang buhay na sa ating alaala...
Salamat huh...
Naging kaibigan kita..


Friendship Tagalog Quotes


Kng magmamahal ako sana ikaw na lang
Pro mas matimbang ang pagkakaibign ntin kya pnili kong ganoon na lng
Di dahl di kita mahal.
Kundi, pnili ko kung san tyo tatagal..


Mhirap pag di mo alam kng gusto mo siya.
Akala mo smpleng tao lng siya na napapatawa ka,
Pero un pala...nahuhulog ka na at di mo namamalayan..
Mahal mo na pala..

Ang kaibigan ay parang lobo. Kapag binitawan mo hinding hindi na babalik.
Kaya bago pa mangyari yon. Itatali na kita sa puso ko...I love u best! :)

 
Friendship ba or love?
Ang hirap talaga mamili,
Pero naisip ko..
Natatapos ang pagkakaibigan sa pagmamahalan.
Pero ang natapos na pagmamahalan, mahirap ng ibalik
sa dating pagkakaibigan.


Friendship Tagalog Quotes
 Also Visit: Friendship Quotes






Pinoy Jokes 1

Pinoy Jokes 1

Akyat Bahay - Pinoy Jokes

Juan: Bos pano natin to nnakawin e nakapadlock?

Pedro: Tnga ka ba? Gagamitin natin yung lagari para masira.

Juan: Ah ganun ba? Boss hindi naman siya nakalock e....

Pedro: Hay! Kung hindi ka ba naman isang malaking tnga. Edi ilock mo muna para malagari natin tapos ska natin nanakawin.


Sa Fiesta

Boy 1:  Bakit ba ayaw mong maniwala na hindi ako ang lumantak sa letson?

Boy 2: Sinungaling ka! 

Boy 1: Maniwala ka. Hindi ako ang my sala.

Boy 2: Paano ako maniniwala e punong puno ng sarsa yang bibig mo!



Suicide - Pinoy Jokes

Boy 1: Anong gagawin mo?

Boy 2: Sawa na ako sa buhay ko. Magpapakamatay na ako.

Boy 1: E bakit sa paa nakatali yang lubid. Dapat sa leeg.

Boy 2: Ayoko na sa leeg. Sinubukan ko na kanina kaso ang hirap huminga. 


Pulis Patola 

Pinara ng tngang Pulis ang isang sasakyan.

Pulis: Bakit kayo may wang-wang? Di nyo ba alama na pinagbabawal na yan?

Drayber: Pasensya na po nagmamadali lang kasi kami. May pasyente po kasi kami sa loob.

Pulis: Pasyente? Bakit ano ba 'tong sasakyan niyo?

Drayber: Ambulansya po!

Wang wang...


Humanitarian - Pinoy Jokes

Juan: sa tingin mo anong ibig sabihin ng vegetarian?

Pedro: Vegetarian? edi yung mga taong kinakain lang ay gulay.

Juan: Ah..ok, nakakatakot pala yung mga Humanitarian.

Pedro: Bakit naman?

Juan: Isipin mo na lang kung ano yung kinakain nila.


Operation Tuli

Boy 1: Oi! Ano tong pinagkakalat mo na sup0t daw ako?

Boy 2: Hindi ah! Sabi ko lang na malapit ka nang tuliin. Pero di ko sinasabing supot ka. Alam ko namang malilintikan ako sa'yo eh.

Boy 1: Good! Kala ko binuko mo na ako eh!


Mabait na Holdaper - Pinoy Jokes

Holdaper: Holdap to! Akina laman ng pitaka mo.

Biktima: Pasensya na po walang laman ang pitaka ko e.

Holdaper: Ganoon ba? Paano yan?

Biktima: Kung gusto niyo po kukuha muna ako sa bahay tapos balikan ko na lang kayo dito.

Holdaper: O sige. Aantayin na lang kita dito. Bumalik ka na lang pag may laman na yang pitaka mo. Buti na lang mabait ako.


Pinoy Jokes 1

Go Back to: Tagalog Love Quotes





Tagalog Jokes 

Sa Operating Room

Doctor: Tapos na ang operation. Tell me if nakakakita kana. 

Juan (Bulag): Doc, wala pa rin po. Ang dilim pa rin. 

Doctor: Anak ng! Wala ka talagang makikita kasi nakapikit ka pa. Subukan mong idilat...


Onli in da Philippines Tagalog Jokes 

Sumakay ng taxi ang hapon. 

Nakakita siya ng Honda
Hapon: O Honda...Honda made from Japan, very very fast...

Nakakita siya ng Suzuki...
Hapon: O Suzuki....Suzuki made from Japan, very very fast...

Nakakita  naman siya ng Toyota...
Hapon: Oh...Toyota, from japan also...very fast too...

Pagbaba niya ay siningil siya ng drayber ng 1 thousand.
Hapon: 1 thousand? Why so expensive?

Drayber: Taxi meter made from da Philippines, very very fast.


Boracay Baby!

Pedro: Bilisan mo dyan maligo punta tayo ng barangay!

Juan: Oo sandali lang, Wag kang sumigaw, di ako bingi!

After 15 minutes.

Pedro: Oh bakit naka swimming trunks ka?

Juan: Akala ko ba pupunta tayo sa boracay?


To All the Girls....

Paano mo malalaman kung snatcher ang 1 guy? Simple lang. Di siya sa dibdib mo nakatingin. Sa kwintas mo.


Usapang Daga Tagalog Jokes 

Daga1: Ako matapang na daga a kain a racumin...

Daga2: Ang weak mo pre. Ako matapang na daga a kain a cheese w/ mouse trap.

Daga3: Mga bading ba kayo? Aq matapang na daga dahil sa syota  ko

Daga1: Bakit ka naman naging matapang sa syota mo?

Daga2: Bakit sino ba syota mo?

Daga3: Si Miming yung pusa! 


Sa Classroom

Teacher: Bakit bagsak ang exam mo ngayon Juan? Dati naman magkasing taas kayo ni  Pedro. Bakit ngayon bagsak na?

Juan: Kasi po di ko na katabi si Pedro.


No. 2! - Tagalog Jokes 

Girl: Aminin mo na kasi..may number.2 ka!

Boy: Wala nga...

Girl: Wag kang magsinungaling. Sabihin mo na kasi para matapos na 'to

Boy: Bakit ba ayaw mo maniwala? Wala nga...sasabihin ko naman sa'yo pag meron na.

 ( eksena ng dalawang estudyanteng nagkokopyahan )



Night Shift

Ama: Walang hiya ka! San ka na naman galing at bakit inumaga ka na naman? Saan ka ba nagpupunta ha?!

Anak: Dad, don't you remember? Night shift ako. Sa call center ako nagwowork.

Ama: ........


Blush on at Lipstick - Tagalog Jokes 

Anak: Maniwala ka po hindi ako bakla. 
Ama: Asus anak..matanda na ako pero hindi mo ako maloloko.
Anak: Bakit po ba ayaw niyo maniwala na hindi ako bakla? Give me a reason...
Ama: Tumingin ka sa salamin para malaman mo.

Tumingin sa salamin ang anak.

Anak: Bakit ano po bang masama sa blush on at lipstick ko?


Tagalog Jokes 1





Funny Tagalog Jokes

Funny Tagalog Jokes

Summer Job 


Studyante: boss mag-aaply po ako.


Manager: Magaaply ka? Eh bkit naka-trunks at shades ka? Anong position ba inaaplayan mo?


Studyante: Summer job po.


Smart Secretary - Funny Tagalog Jokes
  
Nalilito si boss sa Math computation.

Boss: Kung bibigyan kita ng 3 milyon less 17%? How much would you take off?

Secretary: Lahat lahat sir! Damit, panti, bra..


Wallet o Utak

HOLDAPER: pumili ka yang wallet mo o pasasabugin ko utak m0?!

LALAKI: sus bahala ka!! parehas naman walang laman yan eh ..


After 10 years! - Funny Tagalog Jokes

Boy: Mahal mo ba ako?
Girl: Sorry. May bf na ako e. 

After 10 years nagkita ang boy at girl

Girl: Kamusta ka na? Wala na kami ng bf ko. Mahal mo parin ba ako?
Boy: Sorry may mahal na akong iba.
Girl: Sino?
Boy: Yung ex mo.


Usapang Mag-asawa
Wife: Hon, good news buntis ako!
Biglang nabadtrip ang lalaki.
Husband: Anong good news don?
Wife: Bakit hindi ka ba masaya sa magiging baby natin?
Husband: Paano ako magiging masaya? Nakalimutan mo na bang baog ako?


Usapang Anak - Funny Tagalog Jokes

Nanganak ng panget ang asawa ni Juan.

Asawa: Ang ganda ng anak natin. Kamukhang kamukha ko.
Juan: Oo nga. Kamukha mo nga. 
Asawa: Isa syang biyaya satin.
Juan: Oo nga. Biyaya.
Asawa: Para sakin isa syang kayamanan.
Juan: Kayamanan? Tara ilibing na natin para walang makakita.


Wag kang Epal

Juan: Anong gagawin mo dyan sa lagari?
Pedro: Ah may aayusin lang ako.
Juan: Ok. Para sang yang martilyo?
Pedro: Gagamitin kong pangpukpok.
Juan: Ok. E yang pako?
Pedro:(naiinis na) Para pangkabit.
Juan: Eh bat ka kumukuha ng kahoy? Yan ba gagamitin mo sa gagawin mo?
Pedro: Hindi. Pampupukpok ko sa mga taong tanong ng tanong.
Juan: Ah sige. May lakad pa pala ako.


 Funny Tagalog Jokes






Sweet Love Quotes -Tagalog

Sweet Love Quotes -Tagalog


Piliin mo yung taong handang hawakan ang kamay mo anuman ang sitwasyon. Siya kasi yung taong handang iparamdam sayo na kahit hindi na maganda ang nangyayari hinding hindi ka niya bibitawan....:)


Darating ang araw lahat ay lilipas at magbabago ang lahat. Pero isa lang ang  hindi pwede magbago.... ang pagmamahal na nararamdaman ko para sa'yo.


Hindi sa lahat ng pagkakataon makakahanap ka ng taong magmamakaawa para manatili ka,
Kaya sana matuto kang magpahalaga sa mga taong gagawin ang lahat....WAG KA LANG MAWALA


Hindi ko naman kailangan ng perfect person na magmamahal sa akin. Kailangan ko lang ng taong magpapadama sa akin na kahit anong mangyari....Hinding hindi niya ako IIWAN...:)


Wag ka sanang magalit kung minsan hindi kita pinapansin...Wag kang mag-alala, Paraan ko lang yon, para lambingin mo ulit ako.


Minsan naiisip ko kung bakit ako nabuhay sa mundong ito...bigla kitang naalala sabay sabing "Tama, alam ko na kung bakit...Nabuhay ako para mahalin ka"...:)


Iwanan ka man ng taong mahal mo...
Iwanan ka man ng inaakala mong magpapasaya sa'yo..
Wag kang mag-alala....hahakbng ka palang papunta skin...
Tatakbo nko..Papalapit sa'yo...


Minsan may nagtanong sakin kung nainlove na daw ako...Napangiti ako sa sinabi niya...Because at that very moment..I was thinking of YOU. :)


Alam kong mas maswerte pa ako kay John Lloyd dahil nakilala kita...You know why? Kasi I had you at my best and I'll know that I'll still have you at my worst...SWEET! :D



Paano ko ba mapapatunayang mahal kita? Tatawid ba ako sa alambre? Susungkitin mga bitwin? O aakyat sa pinakamataas na bundok? Mahirap yon...Ganito na lang...hawakan  mo na lang ang puso ko para mapatunayan kong sa'yo lang ang buhay ko...


Pag nagmahal ka pumnta ka dun sa maganda ang kalooban di sa mabait lang...
Piliin mo yung ihuhug ka kahit di ka pa naliligo...Yung hahalikn ka khit bagong gcing ka...
Piliin mo yung laging nandiyan sa hirap man o ginhawa...
Piliin mo yung habang buhay kang aalagaan dahil importante ka...
Piliin mo yung mas pipiliin ka sa kahit anuman....
At higit sa lahat....piliin mo yung taong kailangan ka dahil mahal ka at hindi yung taong mahal ka kasi kailangan ka...




Sweet Love Quotes -Tagalog







Tagalog Text Quotes

TAGALOG TEXT QUOTES 

Wag na wag kang magpapagamit sa kanya....
Una sa lahat, tao ka HINDI KA BAGAY!


Kung lagi nating itatago ang lahat ng bagay sa relasyon natin....
Hindi na sana tayo nagmahalan...nagtaguan na lang sana tayo.


Mahirap maging multo sa mahal mo. Lagi kang nandyan pero di niya naapreciate ang presence mo...Magparamdam ka man, balewala pa rin. Siguro ganon talaga....Lalo na kung walang "third eye" ang puso niya.


Nakakabadtrip pag nakakalimutan mo ang mga bagay na dapat mong tandaan..
Pero mas nakakainis kapag natatandaan mo parin ang dapat mong kalimutan...


GIRL: Di ko naman kaylangan ng matalinong LALAKE...Ang kailangan ko 'yung 'di marunong MAMBABAE....
BOY:  Di ko naman kaylangan ng matalinong BABAE....Ang kailangan ko lang yung marunong
UMINTINDE!


Mangyayari lang ang "Long-Term Relationship"
kung hindi magbabalak ng OTHER relationship...


Kung hindi mo man nakuha ang matamis niyang OO...
don't lose hope, there's still anather option,
"Ang mag-agaw"


Huwag kang magtampo sa taong nakatulog habang katext ka...Mas maganda na yun...Kesa sa taong naggoodnight na sayo para lang makatext yung iba..:(


Madali lang humanap ng mamahalin...
Madali lang madevelop sa 1 tao,
Kung tutuusin madali lang talaga ang magmahal..
mahirap lang talagang MAGTAGAL...


Ang pag-ibig parang sugat, madaling maghilom pero mag-iiwan parin ng peklat na mag-papaalala sa'yo ng malungkot na nakaraan..:(




Tagalog Text Quotes 






Love Quotes in Tagalog

Love Quotes in Tagalog

Kung sakali mang mawala siya piling mo, wag kang mag-aalala andito lang ako, handang punasan ang bawat luhang papatak galing sa mga mata mo kahit na alam ko sa bandang huli siya pa rin ang pipiliin mo.


Ayaw mo na ba sa akin?
Sige, try mo akong pakawalan.....Para marealize mo naman yung salitang SAYANG!



Ano ba talaga ang tama? Ang ipaubaya ang taong mahal mo kahit habangbuhay kang masaktan o ang ipaglaban siya kahit na alam mong may mahal siyang iba?


Mahirap ipaglaban ang relasyong walang patutunguhan.  Parang "holding hands" yan eh. Pilit mong hinihigpitan ang hawak habang siya ay naghihintay lang na BUMITAW KA. 


Masakit malaman na ang taong mahal mo ay may mahal ng iba. Pero ang pinakamasakit sa lahat ay malaman na  ang taong mahal mo ay pinagpalit ka sa pinakamatalik mong kaibigan.  Ouch!;(



Masaya ako dahil nakilala kita, masaya ko dahil kasama kita, masaya ako dahil nandito ka sa bawat sandali ng buhay ko. Salamat dahil binigyan mo ako ng pagkakataong maramdaman ang tunay na kahulugan ng salitang  "pagmamahal."



Hindi sapat na mahal mo siya o gumagawa siya ng paraan para hindi kayo magkalayo, Minsan tadhana na mismo ang gumagawa ng pasya kung para ba talaga kayo sa isa't isa o hindi.


Lahat naman tayo gustong maranasan ang kung paano magmahal nang hindi nasasaktan. Sabi nga nila, Hindi naman talaga masama ang mangarap mahirap lang talagang MAKAHANAP.


Hindi porket sinasabihan ka niya ng I Love You ay mahal ka na niya. Minsan sinasabi lang niya yun dahil kaibigan ka niya at ayaw ka niyang masaktan.


Kung miss mo na siya sa tuwing ikaw ay mag-isa, ganyan talaga...normal lang yan. Pero kung busy ka na at naiisip mo pa rin siya. Iba na yan...yan na ang tinatawag na PAG-IBIG!


Huwag na huwag mong pipiliin ang mga taong nagka-cutting class para lang makasama ka. Lalong lalo na yung mga taong kumukupit sa mga magulang nila para lang maka-date ka.
Piliin mo yung taong kahit walang pinag-aralan ay pilit dinadaig ang mga edukado para lang sa mga ngiti mo at yung taong ititigil ang bisyo makuha lang ang iyong "Oo"


Kung hindi niya maapreciate ang mga bagay na ipinaparamdam mo sa kanya.....
Itry mo munang itago....baka sakaling hanapin niya.


Love Quotes in Tagalog





Quotes About Love (Tagalog)

Quotes About Love (Tagalog)

Minsan natuto akong umasa. Minsan natuto akong ngumiti. Minsan nalaman ko na masaya pala ang buhay. Alam mo kung bakit? Dahil minsan natuto akong magmahal ng isang tulad mo.


Hindi ko naman kailangan ng yaman, hindi ko rin kailangan ng kasikatan. Simple lang naman ang hiling ko sa buhay, Iyon ay makasama ka't makapiling habangbuhay.



Ang sabi nila ang pag-ibig ay hindi nabibili, kusa itong nararamdaman at walang anumang kayamanan ang makakatumbas dito. Kaya para sa'kin ang mga katulad mo ay "priceless" hindi ko kayang ipagpalit sa kahit anuman.



Sa dami ng love quotes ngayon, parang lahat nagiging corny na. Kaya hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Tatlong salita  lang naman ang gusto kong marinig mo mula sa akin. "I love you"



Huwag kang susuko kung ayaw mo pang sumuko. Huwag mong pupunasan ang luha mo kung gusto mo pang umiyak. Katulad din yan sa taong mahal mo. Wag mong sasabihing hindi mo na siya 
mahal kung hindi mo pa siya kayang iwan.


Mahirap man tanggapin pero kadalasan ang taong gusto mong makapiling habangbuhay
ay ang taong kailanman hindi pwedeng maging iyo.


Ang tunay na pagmamahal ay hindi naghihintay ng kapalit..... Gagawin mo ang lahat para sa
kanya....Kahit masakit, kahit mahirap, kahit magmukha kang tanga. Mamahalin mo pa rin siya. Kahit na alam mong may mahal na siyang iba. 


Kung sakaling mawala ka, hindi ako iiyak. Magiging matatag ako. 
Dahil alam ko na balang araw, babalik ka rin sa piling ko. 


Madalas abala tayo sa paghahanap ng taong makakasama natin habangbuhay. Minsan hindi 
natin narerealize na ang taong hinahanap natin ay 'yong taong hindi mo napapansin. Tahimik na nagmamahal sa'yo at handa kang saluhin oras na ikaw ay mahulog. 


Mas nanaisin ko pang mawala sa mundong ito kaysa mabuhay ng wala ka. 'Pagkat kalahati ng puso ko ay pagmamay-ari mo. 

Quotes About Love (Tagalog)





Tagalog Love Quotes

Tagalog Love Quotes


Minsan mahirap sabihin ang tunay na nararamdaman. Mahirap ipikit ang mata kung may nais kang makita.Mahirap kalimutan ang mga bagay na ayaw mong kalimutan. Pero ang pinakamahirap na gawin ay ang palayain siya kahit na alam mong gusto mo siyang manatili. 


Hindi mo naman kailangan pang sabihin na mahal mo ako. Minsan isang matamis na ngiti lang galing sa magaganda mong mga labi ay sapat na para makumpleto ang buhay ko.


Sabi nila kalimutan na kita. Sabi nila maghanap na ako ng iba. Masasaktan lang daw ako kase ibang tao ang mahal mo. Ang sabi ko naman, mas gugustuhin ko pang masaktan nang lumalaban kesa sa masaktan dahil sa panghihinayang na hindi kita pinaglaban.


Sabi nila matatag daw ako. Tama matatag ako dahil sa'yo. Pero isang bagay lang naman ang kinatatakutan ko eh. 'Yon ay ang mawala ka sa piling ko.


Ang puso ko ay tumitibok para sa'yo. Ang labi ko ay ginawa para mahalikan ka. Ang mga mata ko ay ginawa para makita ka at mga kamay upang mahawakan ka. Bakit ganon? Siguro dahil nilikha talaga ako para mahalin ka.



Once in my life, I sacrificed my hapiness for someone else. Once in my life, I realized that I'm not alone. Once in my life, I put aside my pride. Once in my life, I loved someone more than myself. You know why? Coz once in my life I met someone like you. 


Kung papipiliin ako between my life and you. I'll choose my life. Alam mo kung bakit? Because you are my life. 


Ang pag-ibig ay parang isang pangako. Kailangan mo itong tuparin at kahit anong mangyari, hindi mo ito pwedeng kalimutan.


Nafeel mo na ba yung akala mo nakalimutan mo na siya. Wala na, tapos na ang lahat. Tapos isang araw nagkita kayo, ngumiti siya sayo at bigla mong nasabi. "Anak ng! Mahal ko pa pala tong taong to."


Sa buhay natin, may mga importanteng tao tayong hinahanap. Napakaswerte ko at nakita ko na ang pinakaimportanteng tao para sa akin. "Ikaw"



Tagalog Love Quotes
Go Back To: Tagalog Quotes





Sad Love Quotes in Tagalog

Sad Love Quotes in Tagalog


Hindi sa lahat ng oras ay masaya kayo. Darating ang oras na kailangan mong marealize na kailangan mo nang maglet-go para sa ikakabubuti ng relasyon niyo. Masakit pero ito ang katotohanan kaya kailangan mong tanggapin.



Maraming beses ko nang sinabi na hindi na kita pwedeng mahalin. Nasaktan na ako at sapat na yon para tapusin na ang lahat. Pero bakit ganon? sa tuwing naiisip kita, Lagi kong nasasabi na "I'm still not over you."



Minsan kapag mahal mo, kahit may nakikita ka ng mali, tahimik ka lang. Kahit sobrang sakit na. Kailan ko kaya masasabi sa'yo na mahal kita? At sinasaktan mo na ako.



Alam ko wala akong karapatan para magalit. Alam ko wala akong karapatan para magtampo. At lalong alam ko na wala akong karapatan para magselos sa tuwing kasama mo siya. Pasensya ka na. Ganito lang talaga ako pag nagmamahal. Hindi ko mapigilan.



Masakit mang isipin, alam kong may iba kana. Ayaw ko mang tanggapin alam kong mahal mo siya. Kaya ngayon nandito ako't luhaan. Dahil alam ko sa puso ko ikaw pa rin talaga.


Ang pag-ibig ay parang isang sugal. Minsan panalo, minsan talo. Kalimitan ay nagdudulot ng kasiyahan pero madalas ay kabiguan. Ganyan ang pag-ibig, kailangan bukas ka sa katotohanan na balang araw maari itong magdulot ng kaligayahan o kabiguan.


Kaya kong magpanggap na kaibigan mo lang sa tuwing nasasaktan ka niya. Kaya kong tiisin ang huwag kang mahalin dahil alam kong masaya ka sa kanya kahit patuloy kang nasasaktan. Pareho lang naman tayong may nararamdamang sakit. Ikaw dahil sa kanya at ako dahil sa'yo.


Kahit anong mangyari hindi ako susuko. Kahit alam ko na hindi mo ako mahal at kailanman ay hindi ka magiging akin. Isa ka lang pangarap na hindi ko pwedeng maabot. Kasi lahat ng pinangarap mo kahit kailan ay hindi magiging ako.


Darating ang araw na kailangan na nating itigil ang pagmamahal sa isang tao. Hindi dahil sa hindi mo na siya mahal kundi dahil narealize mong mas magiging masaya siya sa piling ng iba.


Muntik ko ng ipagtapat sa'yo ang nararamdaman ko. Muntik ko ng sabihin na mahal kita. Pero nung handa na ako. Napatigil ako dahil  bigla mong sinabi. "Alam mo, miss ko na siya."


Sad Love Quotes in Tagalog





Pinoy / Tagalog Pick Up Lines 1


Pinoy / Tagalog Pick Up Lines 1

Nakita mo ba yung mapa? Gusto ko kasing malaman kung
pano maka- rating sa puso mo.




Teka lumiit ka ba? kasi dati hanggang balikat kita, ngayon
hanggang dito ka na lang sa puso ko.



Punta tayo sa psychiatrist ko...
Sabi kasi nya dalhin ko daw yung kinababaliwan ko.



Sana pintuan na lang ang puso mo...Para pwede akong
kumatok at pumasok.



Boy: Anong height mo?
Girl: 5'6, bakit?
Boy: Ang tangkad mo pala. Paano ka nagkasya sa puso ko?



Boy: Alam mo maraming iba't ibang klase ng view? May top view, side view,
front view, back view, kaso my isa pa e...
Girl: oh ano pa kulang?
Boy: Teka iniisip ko...Ayun!
"LABYU!"


Hindi ka ba nalulungkot? ... Nag-iisa ka lang kasi sa puso ko.



Boy: Teka pipikit muna ako..
Girl: Huh? bakit?
Boy: Nakakasilaw kasi yung ganda mo e



Boy: Sana bubuyog na lang ako..para ikaw ang honey ko.
Girl: Hindi ka ba nangangati?
Boy: Hindi naman..bakit?
Girl: Nilalanggam na tayo. Ang tamis kasi ng banat mo e.



Sana facebook status na lang ako...Para kahit papano pwede
mo ako ilike




Pinoy / Tagalog Pick Up Lines 1






Pinoy / Tagalog Pick Up Lines 2


Pinoy / Tagalog Pick Up Lines 2


Boy: Gusto ko ikaw ang pinakamahirap na subject.
Girl: Bakit naman?
Boy: Para sayo lang ako babagsak.


Boy: alam mo para kang facebook.
Girl: huh?
Boy: nakakaadik ka kasi

Boy: Keyboard kaba?
Girl: Keyboard? bakit naman?
Boy: kasi type kita e


Boy: para kang traffic sa edsa..
Girl: ???
Boy: hindi kasi ako sayo maka moved on


Boy: kapag namatay ba ako iiyak ka?
Girl: oo naman.
Boy: bakit hindi ka umiiyak ngayon?
Girl: bakit naman ako iiyak?
Boy: kasi patay na patay ako sa'yo eh.


nakakainis ka..napakaisip bata mo! 
pede bang ikaw na lang ang baby ko?


Sabi ni Peterpan magisip at pumikit ka lang makakalipad ka na. 
Bakit ganon nung maisip kita nahulog ako.



alam mo para kang 5/6...kasi habang tumatagal tumataas interes ko sa'yo..



hindi ko na kailangan ng redhorse, kasi sayo palang ang lakas na ng tama ko.


Pagmayaman na ako ititira kita sa mansyon. 
Pero habang mahirap pa ako..dito ka muna sa puso ko.



Pinoy / Tagalog Pick Up Lines 2





Pinoy / Tagalog Pick Up Lines 3


Pinoy / Tagalog Pick Up Lines 3



Nasa langit na ba ako?...Mukha kasing anghel yung kaharap ko.



Sana magnet na lang tayo..para lagi tayong magkasama.



Para kang joke...napapangiti mo kasi ako e.



flourescent light ka ba? Kasi you lighten up my life.



Hindi ko na kailangan kumain kasi tingin mo pa lang busog na ako.



Hindi ka ba naiingayan?? sinisigaw kasi ng puso ko yung pangalan mo.



Sana load na lang ang pagmamahal mo..para pwede kong gawing unlimited.



Hindi ko na kailangang tumaya ng lotto...kasi sa'yo palang jackpot na ako!



Para kang outerspace, bumabagal mundo ko pag nakikita ka.



Boy: Yabang mo talaga!
Girl: At bakit?
Boy: Ang lakas kasi ng dating mo sakin e







Pinoy / Tagalog Pick Up Lines 3






Pinoy / Tagalog Pick Up Lines 4


Pinoy / Tagalog Pick Up Lines 4

Tumigil ka na nga! Baka pag hindi ko napigilan....bugbugin kita! Bugbugin kita ng pagmamahal ko.


Kaya naman pala hindi ako makahinga. Hawak mo kasi ang puso ko.


Vendor ka ba ng yosi? Kasi "you give mo hope and more"


Alarm clock ka ba? Ginising mo kasi ang natutulog kong puso.


Boy: Alam mo para akong ice cream pag andiyan ka.

Girl: Bakit naman?
Boy: Kasi natutunaw ako pagkasama ka


Energy drink ka ba? Sumisigla kasi ako pagkasama ka.


Sana unan na lang ako, para pwede mong kayakap at katabi sa pagtulog.


Reading glass ka ba? Kasi binibigyan mo ng linaw ang mundo ko.


Alam mo kung gatas ka ikaw ang aking nido. "Because you are my no.1"


Boy:You know we're just men
Girl: Men what?
Boy:Men to be


Pinoy / Tagalog Pick Up Lines 4





Pinoy / Tagalog Pick Up Lines 5


Pinoy / Tagalog Pick Up Lines 5


Pablood test mo kaya ako?
Para malaman mong ikaw ang type ko.


Bakit ako susuko sa'yo?
Hindi naman ako wanted sa mga pulis.


Kung pulis ka, magiging snatcher ako..
para lagi mo akong hinahabol.


Hindi naman ako criminal pero
bakit dinakip mo na ang puso ko?


Girl: Ouch nasugatan kamay ko.
Boy: Akina kiss ko..para mabilis gumaling
Girl:Thanks
Boy: Sa labi ba hindi ka nasugatan?
Girl: Hindi naman. Bakit?
Boy: Para makiss ko din.


Muka na ba akong bangkay?
deads na deads kasi ako sa'yo e.


Fireworks ka ba? Ang ganda mo kasing pagmasdan.


oxygen ka ba? because i can't breathe without you



Pinoy / Tagalog Pick Up Lines 5





Pinoy / Tagalog Pick Up Lines 6


Pinoy / Tagalog Pick Up Lines 6


Sugal ka ba? handa ko kasing itaya lahat ng yaman ko mapanalunan ka lang



Wag kang mag-aalala kung magulo ang buhay mo. Malay mo
sinadya talaga yan para ayusin ko.



Kung nakakamatay ang kagandahan, pagpapalit ko ang buhay ko
masulyapan lang kita kahit isang beses lang.



B: Ano ang init naman ng smile mo parang apoy.
G: bakit naman?
B: 'Cause you always melt my heart whenever you smile. 



Alam mo kung kasalanan ang mahalin ka. Noon pa ako nagkasala.


Eto ang tatandaan mo..
Hindi lahat ng buhay ay buhay. 
Tulad ko, buhay pero patay na patay sayo.


Sa hinaba-haba man ng tulog ko.
IKAW pa rin ang dahilan ng pag-gising ko.


Sana ulan ka at lupa na lang ako.
Para kahit gaano kalakas ang patak mo, sa akin pa rin ang bagsak mo.


Maghanda ka na ng salbabida…
Kasi lulunurin kita ng pagmamahal ko.


Bagyo ka ba?
Kasi the moment you left my area of responsibility,
You leave my heart in the state of calamity.



Pinoy / Tagalog Pick Up Lines 6





Pinoy / Tagalog Pick Up Lines 7


Pinoy / Tagalog Pick Up Lines 7

Can you recommend a good bank where I can make a deposit?
Because I’m planning to save all my love for you.


Ibibili kita ng salbabida.
Kasi malulunod ka sa pagmamahal ko!

Drugs ka ba?
Nasisira na kasi ulo ko sayo eh.

Miss, taxi ka ba?
Bawat minuto kasi napapamahal ako sayo eh!


Miss! langit na ba to?
Para ka kasing anghel.

I hate all the letters in the alphabet!, but I LOVE “U”

Redhorse ka ba?
Ang lakas kasi ng tama ko sayo eh

Surgeon ka ba?
Kasi ikaw lang ang nakapagbukas ng puso ko.

May lason bang mga mata mo?
Nakakamatay kasi ang titig mo.


Doktor ka ba?
Kasi kaw lang ang makakagamot ng sugat sa puso ko.


Para kang Centrum.
You make my life complete


Pinoy / Tagalog Pick Up Lines 7





Pinoy / Tagalog Pick Up Lines 8


Pinoy / Tagalog Pick Up Lines 8

Inii-SMALL ka ba nila?
Ok lang yon...
Inii-BIG naman kita.


Bagay sa ‘yo maging amo…
Inalila mo kasi ang puso ko.


Hindi ka naman camera
Pero tuwing nakikita kita
Napapangiti ako.


Ang pag-ibig ko sa iyo’y parang talaba
Patay na’y nakadikit pa.


Itutuwid ko ang landas mo
Para sa akin ka didiresto.


Di mo pa nga ako binabato
Tinatamaan na ako sa ‘yo


Nag-review ka na ba?
Kasi mamaya, pasasagutin na kita.


Diabetic ka ba?
Kasi i’m planning to be the sweetest person for you!


Matalino ka ba?
Sige nga, sagutin mo ako.


Isa lang naman ang gusto ko ngayong Pasko eh…
PSP mo…
Pasko sa Piling mo!


Pinoy / Tagalog Pick Up Lines 8





Pinoy / Tagalog Pick Up Lines 9


Pinoy / Tagalog Pick Up Lines 9

Calculator ka ba?
Kasi sa ‘yo pa lang, solved na ako.



Buti pa ang keyboard ng pc…
Lagi magkatabi ang U and I…


Para kang test paper,
Nauubos ang oras ko kakatitig lang sa ‘yo.



Nov.1 ngayon ah…
May dadalawin ka ba?
Ako na lang dalawin mo!
Tutal naman patay na patay ako sa ‘yo eh.



Pakipulot naman yung puso ko…
Nahulog na kasi sa ‘yo


Sabi nila kasi libre lang mangarap.
Libre ka ba?
Ikaw kasi ang pangarap ko eh.


Dalawang beses lang naman kitang nais makasama…
… Now and Forever


Kodigo ka ba?
Ikaw kasi ang sagot sa lahat ng tanong ko eh.


Facebook ka ba?
Gusto kasi kita i-Like eh.


Tatakbo ka ba sa eleksyon?
Kasi boto mga magulang ko sa iyo eh.



Pinoy / Tagalog Pick Up Lines 9





Pinoy / Tagalog Pick Up Lines 10


Pinoy / Tagalog Pick Up Lines 10

Mahilig ka ba sa asukal?
Ang tamis kasi ng mga ngiti mo.



Pwede ba kita maging driver?
Para ikaw na magpapatakbo ng buhay ko.


Sa ‘yo na lahat ang SSS ko
Pati PHILHEALTH ko
Basta akin ang PAG-IBIG mo


Miss may mapa ka b dyan? Para alm ko ang daan papunta sa puso mo.


Pwede ka bang makatabi pag may exam? Coz i feel perfect beside you.


Hey, did you fart??
coz you blew me away!!


Sana “T” na lang ako..
Para i’m always right next to “U”


May free time ka ba? Samahan mo naman ako sa psychiatrist, magdala daw kasi ako ng kinababaliwan ko.



Excuse me.. Are you a dictionary??
Because you give meaning to my life..



Tapos na ba exams mo? Para ako naman ang sagutin mo!



Pinoy / Tagalog Pick Up Lines 10





Pinoy / Tagalog Pick Up Lines 11


Pinoy / Tagalog Pick Up Lines 11


Para kang table of contents ng isang libro.
Kasi ikaw ang paksa ng bawat pahina ng buhay ko


I will ‘siomai’ love to you, ‘hopia’ love me too.


Tumataba ka na yata ha…
Bumibilog…
At…
Unti unting…
Naging mundo ko…



Ang liit lang pala ng kamay mo…
Pero paano mo nahahawakan ang mundo ko?



May lisensya ka ba?
‘Coz you’re driving me crazy.


Magaling ka ba sa algebra?
Can you subtitute my ‘x’?



Pustiso ka ba?
Kasi I can’t smile without you.



Miss, may payong ka?
Umuulan kasi ngayon ng kagandahan.


Ang “Kaibigan” ay isang makahulugang salita…
Dahil paano ang “Ibigan” kung wala “Ka”.



I forgot your name.
Can I call you ‘mine’?



Pinoy / Tagalog Pick Up Lines 11





Pinoy / Tagalog Pick Up Lines 12


Pinoy / Tagalog Pick Up Lines 12


Google ka ba?
Kasi lahat na ng hinahanap ko
Nasa iyo na eh.


Aanhin pa ba ang relo
Kung titigil din pala sa ‘yo!



Lumiliit ka yata?
Dati kasi lampas ulo kita
Ngayon nasa puso na kita



Tumatangkad ka yata ngayon
Dati hanggang balikat lang kita.
Ngayon nasa isipan na kita.


Para kang alarm clock…
Ginising mo ang natutulog kong puso!


Am I a bad shooter?
Kasi, I keep on missing you!



Sana piso ka na lang
At 100 pesos naman ako
Kasi di ako mabubuo ng wala ka


Baliw man ako sa inyong paningin,

Subukan mo lang tumingin,
Mababaliw ka rin



Lakwatsera ka ba?
Kasi hanggang sa panaginip ko nakakarating ka.


Ang taong hindi marunong lumingon sa pinanggalingan.


Malamang ako ang nasa harapan.




Pinoy / Tagalog Pick Up Lines 12






Pinoy / Tagalog Pick Up Lines 13


Pinoy / Tagalog Pick Up Lines 13


Apoy ka ba?
Kasi… ‘alab’ you!


Kung posporo ka, at posporo ako,
Eh di ‘match’ tayo.


Pwede bang tayo na lang?
Kakapagod na kasi umupo eh.



Hindi ko naman pinipilit na maging akin ka.
Ang akin lang, maging sa ‘yo ako.



Are you an interior decorator?
When I saw you the room became beautiful.



Aanhin pa ang bahay na bato
Kung nakatira ka na sa puso ko?



Ano’ng height mo?
Pa’no ka nagkasya sa loob ng puso ko?



Like the sheets on your bed
I want cover you with love.



You must be in a wrong place -
the Miss Universe contest is over there.



Life without you would be like
a broken pencil...pointless.



Pinoy / Tagalog Pick Up Lines 13





Pinoy / Tagalog Pick Up Lines 14


Pinoy / Tagalog Pick Up Lines 14


Miss my band-aid ka ba?
Nasugatan kasi yung tuhod
ko nang mahulog ako sa'yo



Pwede ba kitang picturan?
Para mapakita ko kay Santa yung
gusto ko for Christmas



Boy: Miss may time ka ba?
Girl: Time?
Boy: Time to write my number down.



You know what..If looks could kill
you would be a weapon of mass destruction.



Boy: Masakit?
Girl: Anong masakit?
Boy: Masakit ba nung mahulog ka mula sa langit.



Miss pwedeng patingin ng bulsa mo.
Check ko lang kung nandiyan yung puso ko.
Pakiramdam ko kasi ninakaw mo eh.



I hope you know CPR,
because you take my breath away.



B:Sana may bumberong dumaan.
G: Bakit?
B: Kasi you're smokin' hot!



Para akong chocolote pudding
Kadiri man ako sa paningin mo.
Pero ako na yung pinakamatamis na
pudding na matitikman mo.



Are you an alien?,
because you just abducted my heart.



Pinoy / Tagalog Pick Up Lines 14





Pinoy / Tagalog Pick Up Lines 15


Pinoy / Tagalog Pick Up Lines 15


Your so hot when i look at you I get a tan


B:Teka sumakit yung ngipin ko
G:Bakit?
B:Kasi you look so sweet.


May pambura ka ba jan?
Hindi kasi kita mabura sa isip ko e.



Isang bagyo ka yata...
Kasi the moment you left my area of responsibility,
You leave my heart in the state of calamity



Miss universe ka ba?
Wala kasing katapusan yung kagandahan mo eh.



B:Miss kamukha mo yung first wife ko.
G:Bakit ilan na ba naging asawa mo?
B:Wala pa



Dictionary ka ba?
Kasi you gave meaning to my life e.



Magaling ka siguro sa mga puzzle no.
Kasi kakasimula pa lang ng araw ko, nabuo mo kaagad.



Tatawagin mo ba akong bobo
kung ikaw lang ang nasa Isip Ko?



Pinoy / Tagalog Pick Up Lines 15





Pinoy / Tagalog Pick Up Lines 16


Pinoy / Tagalog Pick Up Lines 16


Do you know karate? 'Cause your
body is really kickin'.



Driver ka ba?
Para ikaw na magpatakbo ng buhay ko.



Do you have a map? Because I just
keep getting lost in your eyes!



May sira yata tong phone ko,
wala kasi yung number mo.



Holdaper ka ba?
Bibigay ko sayo ang lahat
Wag mo lamang akong sasaktan



Table of Contents ka ba?
Kasi gusto ko ikaw ang maging topic ng buhay ko...



B:Pustahan, kaya kitang halikan ng hindi
gagamit ng labi.
G:Talaga? Sige game.
Halikan mo siya sabay sabing...
B: Sorry. I lost.



Ngayon ko lang napansin,
Kamukha mo pala yung future girlfriend ko.



Sabe ko na nga ba camera ako e,
Kasi napapangiti kita


Hindi ko na kailangan mamatay,
Halikan lang kita, nasa langit na ako



Pinoy / Tagalog Pick Up Lines 16





Pinoy / Tagalog Pick Up Lines 17


Pinoy / Tagalog Pick Up Lines 17


Badtrip!
Ano bang problema ng hangin?
At hindi ka matangay-tangay papunta sa akin!



Naligo ka na ba?
Bakit amoy akin ka pa din?



miss tuesday ka ba?
bakit?
monday kasi ako at ikaw
ang kinabukasan ko.



sa tingin ko mawawala ang
pangit sa mundo kapag
kumalat ang lahi mo.



B: Ang ganda naman ng pangalan mo
G: Salamat
B: Mas gaganda yan kung isasamo yung last
   name ko.



Balon ka ba?
Di na kasi ako makaahon
Magmula nung nahulog ako sayo




Sana ID na lang kita
Para pag nawala ka
Alam nilang akin ka



Sayo na ang GSiS & SSS ID mo
Basta akin na ang PAG-iBiG mo




Para kang kanto
Bakit?
Kasi nacorner mo buhay ko.



B: whats your biggest dream?
G: mahalikan ang ulan. ikaw?
B: maging ulan para mahalikan mo ako.



Pinoy / Tagalog Pick Up Lines 17